Kanina nung pauwi ako galing Ortigas, na-realize ko na tama pala talaga ang nanay ko nung sinabi nyang, 'Banda banda roon, makikita mo ang tamang tao para sayo'. Yan yung time na ngawa ako ng ngawa dahil sa isang ungas na niloko lang ako.
Kung bata ka, tipong 15 years old, at sa tingin mo ay nahanap mo na ang prince charming mo, well kailangan mong maniwala sa akin na mali ka. Magbe-break pa kayo. Hindi ko alam kung pano. Siguro lolokohin ka nya kasi mas maganda ang isa nyang kaklase kesa sayo. O baka dahil sa Maynila sya mag-aaral at ikaw ay maiiwan sa probinsya nyo. O baka dahil sa private college ka mag-aaral at sya ay hinde. Basta, magbe-break pa kayo. Tama yung sinabi ng tatay ko na mag-aral muna ako at magtrabaho kasi mas madaming pogi, mayaman at matalino sa mga opisina. At sa Makati. Wag matigas ang ulo mo. Ayaw ng tatay mo ng madungis at hindi marunong magsuklay na manugang. Baka sapukin nya pa yun. Yang mga raker-raker at emo na yan, tigilan mo yan. Hindi ka pinag-aaral ng magulang mo para makipag-date sa taong nilalaslas ang sariling braso.
Siguro matanda na talaga ako kaya ko naiisip ang mga bagay na ito. Kasi nung college ako tapos lagi akong pinapagalitan ng nanay at tatay ko, galit na galit ako sa kanila. Laging nakikialam sa buhay ko. Kontrabida ganun. Walang tigil kaka-text kung asan na ako. Pag di nakuntento sa text, tatawag pa yan.
Yung una kong boyfriend nung third year high school ako, binreakan ko sya pag-uwi ko galing sa youth camp. Sabi kasi sa church dapat daw Christian din. Saka ko lang naisip na Katoliko naman sya, hindi sya Buddhist or whatever. So Christian diba? Yung sunod na boyfriend ko, binreakan ako dahil sa ibang babae. Twice. Hayup yun. Hanggang ngayon gusto kong sipain ang sarili ko pag naiisip kong binayaan ko syang gawin sakin yun ng dalawang beses. Di naman sya pogi. Yung pangatlo, college boyfriend. Basketball player. Matangkad at kamukha ni Mei Zuo sa Meteor Garden. Wag akong husgahan, I had a phase. Nag-break din kami kasi bukod sa wala syang sense kausap, hindi sya maka-keep up sa akin. Oh well. Yung sumunod, college boyfriend din. Ang totoo, hindi ko alam nung panahong iyon kung baket kami nag-break. Pagkatapos ng break up namin, may mga narinig akong balita na bakla daw sya. OMG diba?
Kelan mo nga ba malalaman na sya na ang tamang lalaki para sayo? Akala mo joke lang yung sinasabi nilang may spark? May butterflies and insects and dragons in your stomach? Well, mali ka na naman. Totoo yun. At least para sakin, totoo sya. So kung hindi mo pa ito nararanasan, mag-aral ka muna. O magtrabaho ng maigi. Hindi mo pa time lumandi. Kaya wag ka munang lumandi.Ang puno't dulo ng note na ito ay ito: Mabuti nalang naniwala ako sa mga magulang ko.
Joy Cab is my first ever guest blogger in Pinay Helpdesk Mom. She's one of the young friends I have around whom I admire a lot for having the attitude to blend well with different kinds of people. She's smart, funny and creative. She is currently involved in her own printing business. Next year, she'll be walking the aisle with her prince charming Jeff. She sings, writes, loves and eat a lot! Nah, just kidding:) Check out her food blog at Nom-mage.
No comments:
Post a Comment